Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muling pag-aaralan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang Proposal
ng BLEST Summit Mechanical Industry sa pagresolba ng problema tungkol sa waste
plastic sa isla ng Boracay.
Ayon kay Malay SB Member Danilo Delos Reyes, gusto nilang
makita ang actual na pagresolba nito at kung bakit sa Boracay mismo ito unang
gustong ipatupad ng BLEST.
Matatandaang noong nakaraang taon pa ito inilatag ng
grupo ni Dante Diamante ng BLEST Summit Mechanical Industry para masolusyunan
ang problema sa mga plastic na basura sa isla.
Ang nasabing teknolohiya ay nagkakalahalaga ng isang daan
at apat naput dalawang milyon kada isang set ng machine na gagamitin para dito.
Dagdag naman ni Delos Reyes, bagamat masyadong mahal ang
nasabing presyo nito ay hindi pa nila matitiyak kung kailan ito maipapatupad.
Ayon naman kay SB Member Rowen Aguirre, kailangan itong
ipresinta sa Solid Waste Management para mabigyan din ng pansin.
Kaugnay nito, maraming naging interisadong mamayan sa
Malay at sa ibang lugar sa bansa na umaasang masolusyunan na ang problema sa
plastic ng basura sa isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment