Suportado
ng BFI o Boracay Foundation Incorporated ang Boracay Beach Management Program.
Ayon
kay BFI President Jony Salme, maganda ang ibinunga ng nasabing programa, dahil
sa ipinakitang response o tugon ng iba’t-ibang sektor sa sa isla.
Katunayan,
kakaunti na lamang umano ang basura sa dalampasigan, dahil sa dami ng mga
sumasali sa mga beach clean-up tuwing Sabado.
Maliban
dito, may isang malaking resort din ang nagpaplanong pangunahan ang isang beach
clean-up sa mga susunod na araw.
Target
umano ng resort na ito na makakalap ng dalawang libo’t labing tatlong kalahok
para sa taong 2013, at dalawang libo’t labing-apat para sa taong 2014.
Kung
kaya’t inaasahan umano ni Salme na magiging malaki ang nasabing aktibidad.
No comments:
Post a Comment