Ni Mackie Pajarillo,
YES FM Boracay
May bago nang opisyal ang CENRO o Community Environment
and Natural Resources Office ang isla ng Boracay.
Siya ay si Engineer Norman Dy K. Lebelo na nagmula sa PENRO
o Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa Negros Occidental.
Si Lebelo ang pumalit kay Atty. Elizur Militar, Project
Evaluation Officer II ng DENR Region 6, Iloilo City na pansamantala namang
humalili sa naka sick-leave na si dating Boracay CENRO Officer Mirza Samillano.
Samantala pormal nang naupo sa pwesto bilang bagong OIC
ng nasabing ahensya si Lebelo nitong nagdaang Setyembre a dos.
Napag-alamang una nang nakapag-courtesy call si Lebelo
kay Malay Mayor John Yap at sa kasalukuyan sa mga stakeholders at iba pang
ahensya dito sa isla.
No comments:
Post a Comment