Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Pasok ang Kalibo International Airport sa
pinakamalaking paliparan sa bansa ayon ayon sa Airline Network News and
Analysis website, www.anna.aero.
Dalawa sa Western Visayas ang nakapasok sa Top 6
kung saan nakuha ng Kalibo International Airport ang pang-apat na rangko habang
ang Iloilo Airport ay nasa pang-anim na pwesto.
Kabilang sa Top 6 ay ang gateways sa Manila,
pangalawa ang Cebu, pangatlo ang Davao, at pang-lima ang Cagayan de Oro.
Base sa statistical analysis, ng ANNA ang Kalibo
airport ay may roong 30,573 departing seats at may 180 departing flights kada
linggo at anim na operating airlines, na nagsisilbi ng 13 walang tigil na destinasyon.
Sa kabilang banda sinabi naman ni CAAP o Civil
Aviation Authority of the Philippines OIC- Manager Cynthia Aspera ng Kalibo
Airport na patuloy parin ngayon ang pagpapagawa ng run way ng Kalibo Airport.
Pinaghahandaan na rin umano ng CAAP at n Provincial
government ang pagdami direct flights mula abroad .
Ang anna.aero ay isang Airline Network News &
Analysis at isang open website na dedikado sa outstanding airline network
planning intelligence na ginawa sa pamamagitan ng multi-disciplinary team.
No comments:
Post a Comment