Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito ang sigaw ng isang Swedish national matapos na mawala
ang kanyang mga bitbit na flag lets.
Ayon kasi sa report ng Boracay PNP, pumasok umano
ito bandang alas dyes ng gabi sa isang bar sa Boracay dala ang mga nasabing
flag lets at ipinatong sa mesa ng ilang mga guest doon.
Makalipas ang ilang sandali ay lumabas umano ito sa
nasabing bar at bumalik bandang alas dose ng hating gabi at pinaghahanap ang
mga iniwan nyang flag lets.
Subalit dahil sa nawawala na ang mga ito, kumuha ng
botelya ang turista at galit na pinaghahampas ang mga umbrella stand ng
nasabing bar.
Kaya’t minarapat ng supervisor ng establisyemento
na humingi ng tulong sa mga taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Nagkataon naman na rumoronda ang ilang mga kasapi
ng pulisya kaya’t agad na naaresto ang lasing na Swedish national.
No comments:
Post a Comment