Ito’y sa kabila ng kampanya at mga hakbang na ginagawa
ng LGU Malay upang masawata ang pangungulit, at pananamantala ng mga ito sa mga
turista.
Bagay na aminado naman dito si TREU o Tourism
Regulations Enforcement Unit Head Wilson Enriquez.
Sa kanyang text message sa himpilang ito, sinabi ni
Enriquez na marami na rin silang reklamong natatanggap tungkol sa mga nasabing
komisyoner.
Magkaganon paman, iginiit nito na wala silang
otoridad upang hulihin ang mga ito, kung di ang mga MAP o Municipal Auxiliary
Police at mga taga BTAC o Boracay Tourist Assistance Center.
Samantala, pinag-iingat naman ng mga taga MTour o Municipal
Tourism Office at ang DOT o Department of Tourism Boracay ang mga turista upang
hindi maloko ng mga pasaway na komisyoner.
No comments:
Post a Comment