Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Katunayan, tila bitin ang bakasyon ng ilang mga
turista kung hindi makapagpalitrato sa tabi ng mga tinatawag din ng ibang
tourist attraction sa isla.
Marami din sa mga ito ang tila ok lang kung magkano
man ang singil o hinihinging donasyon ng mga bata o di kaya’y tinedyer na tumatayong
may-ari ng sandcastle.
Subali’t ikinabahala na ngayon ng mga otoridad sa
isla ang talamak na gawaing ito.
Maliban kasi sa nakakasira umano ito sa natural na
terrain ng dalampasigan, nagiging sagabal pa ito sa mga dumadaan.
Ayon naman sa ilang mga turista at bakasyonista, magaganda
ang mga sand castles at lanterns na gawa ng mga bata, dahil nagpapakita ito ng
pagiging pagkamalikhain.
Para naman sa mga otoridad, may kaukulang penalidad
para sa mga mahuling gumagawa ng sandcastles o sand lanterns lalo na kapag
walang permit.
No comments:
Post a Comment