Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagpasa kahapon ng resolusyon si SB Member Rowen Aguirre
laban kay Crisostomo Aquino ng West Cove Boracay.
Ito’y may kaugnayan sa umano’y ginawang pambabastos o
pagsasalita ng hindi maganda ni Aquino kay Baranggay Captain Neneth Graf ng
Motag, Malay, Aklan.
Sa naging privileged speech ni Aguirre sa SB session ng
Malay kahapon, sinabi nito na nakarating sa kaniya ang nangyari tungkol sa
ginawa ni Aquino.
Iginiit nito na hindi maganda ang ginawang pang-iinsulto
ni Aquino sa miyembro ng lokal na pamahalaan ng Malay.
Sa sobrang galit ni Aguirre, tinawag nitong worst
violator si Aquino at ipinasa ang resolusyon para ideklara itong persona
non-grata.
Sinang-ayunan naman ito ng mga konsehales, dahil ayaw umano
nilang ma tolerate ang ganitong klaseng gawain sa mga mamamayan ng Malay.
Nabatid na inireklamo ni Graf si Crisostomo Aquino nitong
Linggo, matapos umano itong sigawan, at pinagmumura ng huli.
No comments:
Post a Comment