Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinasaringan ngayon ni Department
of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ang mga umano’y
mang-aagaw lupa sa Boracay Ati Community.
Sa kanyang pagbisita sa mga taga
Ati Community kaninang umaga bilang bahagi ng National Technical Working Group
(NTWG) ocular inspection.
Sinabi ni Roxas na hindi dapat
matakot ang mga Ati sa isla na ipaglaban ang kanilang karapatan sapagkat buong
pwersa ng estado ang nakahandang sumuporta sa kanila.
Gayunpaman, pinuri rin ni Roxas ang mga taga
Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) at National Commission on Indigenous
Peoples (NCIP) at lahat ng ahensya ng gobyerno na nakiisa sa pagsasaayos sa
buhay ng mga Ati sa Boracay.
Samantala, nilinaw rin ni Roxas sa mga
nagtatangkang pumasok at mang-agaw ng mga lupain sa Boracay Ati Community na
ang nasabing lupa ay legal na ipinagkaloob ng pamahalaan sa mga katutubo.
Aniya, Enero 21, 2011, ginawaran ng NCIP ng
Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ang Boracay Ati Tribal
Organization (BATO) para sa lupain.
Samantala, masaya din umano ito sa pakikipagtulungan
ng mga Ati sa isla na ipaglaban ang kanilang karapatang lalo na’t sila ang
itinuturing na nauna sa isla ng Boracay.
Ang Boracay Ati Community ay tirahan ngayon ng 40
pamilyang Ati o nasa mahigit dalawang daang
miyembro ang tribo.
No comments:
Post a Comment