Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Marami umanong mga bagong graduate ang medyo
nahihiya kung lumampas sa dalawa o higit pang buwan ng kaka-aaply, pero jobless
parin.
Ito ang lumalabas ngayon sa pagsisiyasat ng Department
of Labor ang Employment (DOLE).
Gayunpaman, pinaghahandaan na rin umano ng
ahensya ngayon sa Aklan ang pagtaas ng demand sa trabaho ng mga bagong
magtatapos sa kolehiyo.
Ayon kay DOLE Aklan Provincial Director, Bediolo
Salvacion.
May nakalaang Public Service Employment Office para
sa mga maghahanap ng trabaho sa bawat bayan na tutulong sa mga aplikante.
Payo rin nito sa mga mag-aaply ng trabaho na subukan
ang ibang paraan tulad ng paggamit ng makabagong teknolohiya gaya ng internet.
Samantala, sinabi rin ni Bediolo na isa sa mga
problema ngayon ng pamahalaan ang mga tinatawag na “job mismatch”, kung saan, maraming trabaho ang naghihintay pero
kadalasan ay hindi ito tugma sa gustong trabaho o kakayanan ng aplikante.
Kaya’t sa pamamagitan umano ng kanilang “guidance
counseling” hinihikayat nito ang mga kabataan na kunin ang mga kursong
in-demand at may pagkakataong makapasok agad sa trabaho.
No comments:
Post a Comment