Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Kinilala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang
mga atletang Aklanon na naging kalahok sa taunang WVRAAM ng Department of
Education.
Sa resolusyon na iniakda ni SP Member Emmanuel
Soviet Dela Cruz.
Ito ay naglalayong bigyan ng pagkilala at parangal
ang mga batang manlalaro at trainer ng iba’t-ibang paaralan kung saan nakapagbigay
ng karangalan sa probinsya.
Ang West Visayas Regional Athletic Association Meet
(WVRAAM) ay ginanap nitong Pebrero sa San Jose Antique.
Samantala, lubos naman ang pasasalamat ng DepEd Aklan sa nasabing hakbang ng provincial government at asahan umanong hindi dito nagtatapos ang pamamayagpag ng mga atletang Aklanon dahil hahataw pa ang mga ito sa susunod na mga atletic activities.
No comments:
Post a Comment