Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Sa ginanap na ocular inspection ng NTWG o National
Technical Working Group kaninang umaga, sinabi ni Mar Roxas na magiging mas
ligtas ang kinabukasan ng Boracay, dahil hindi mauubos ang puting buhangin ng
isla na siyang asset nito.
Iginiit din ni Roxas na ang mga kongkretong
istraktura ng mga long beach establishments dito ang dahilan ng beach erosion,
kung kaya’t dapat na umano itong ipagbawal.
Samantala, sinabi pa Roxas na sana’y magpatuloy ang
kooperasyon ng lahat para sa isla.
Nabatid na ginanap ang inspeksyon ng NTWG kanina bilang
bahagi ng Boracay Redevelopment.
No comments:
Post a Comment