Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaigting ng Bureau of Fire Protection (BFP) Boracay ang
information at education campaign ngayong fire prevention month.
Ayon kay Boracay Fire Inspector Joseph Cadag.
Magsasagawa sila ng Motorcade mula sa Cagban Jetty Port
hanggang sa Baranggay Yapak sa darating na araw ng Sabado o unang araw ng Marso
para ikampanya ang kahalagahan ng fire prevention safety.
Nabatid na ang malawakang information campaign ng BFP ay
isa lang sa sa aktibidad na nakahanay ngayong papasok na buwan ng Marso.
Kabilang din sa kanilang campaign ay ang pag-iikot sa mga
paaralan sa isla para ipaalam sa mga mag-aaral hinggil sa mga posibleng
pagmulan ng sunog o kung ano ang dapat na hindi gawin sa sandaling magkaroon ng
sunog.
Matatandaang sunod-sunod ang nangyaring sunog sa Boracay
nitong unang dalawang buwan ng taong 2014 na ikinabahala ng Bureau of Fire
Protection (BFP) Boracay.
Ang pagpapaigting ng kampanya sa pag-iwas sa sunog ay
buong taong commitment ng lokal na pamahalaan ng Malay at ng BFP para matiyak
na ligtas sa sunog ang mga Malaynon at ang isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment