Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Laking tuwa ng mga taga Malay Association Sailing
Boat Owner's Incorporated (MASBOI) nang makapag-uwi ng karangalan sa bayan ng
Malay.
Ito’y matapos na humakot sila ng parangal sa
ginanap na 2014 Iloilo Paraw Regatta Festival - 42nd Edition nitong February
23, 2014 sa Villa Beach Shoreline at Villa Festival Grandstand sa Iloilo City.
Ayon kay MASBOI Chairperson Manny Casidsid, ang
nasabing patimpalak ay nilahukan ng nasa animnaput tatlong mga sailboat mula sa
iba’t-ibang bayan sa Panay.
Kaya’t laking tuwa talaga umano nila na hindi
nasayang ang tulong ng Malay Tourism Office at iba pang organisasyon sa kanilang
sinalihang kompetisyon.
Aniya, mahigpit na preparasyon ang kanilang ginawa bago
sumabak sa kompetisyon.
Tinanghal bilang kampeon ang Jofman B3, 2nd
place ang Naknak ni Gad, 12th place ang Transporter ni Ariel Lim,
6th place ang Discovery ni Jeocelen Prado, at 9th place naman
Tinyurey.
Ang “Paraw Regatta” ay ang pinakalumang sailing
event sa Asya kung saan madalas dinadayo ng mga turista dahil sa makulay nitong
mga paraw (sailing boats).
No comments:
Post a Comment