Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Magiging abala na naman ang iba’t-ibang department heads
ng LGU Malay ngayong araw.
Sasamahan kasi ng mga ito ang mga taga NTWG o National
Technical Working Group para sa isang ocular inspection bilang bahagi ng
Boracay Redevelopment.
Tampok sa mga lugar na iinspeksyunin ngayong araw ang
establisemyentong binigyan ng compliance certificates for voluntary redevelopment
nitong nakaraang buwan ng Oktubre ng nakaraang taon.
Maliban sa mga nasabing establisemyento, iinspeksyunin
din ng buong team ang Ati Village, at Cagban Port.
Matatandaang ipinag-utos ni mismong Pangulong Pnoy sa mga
taga NTWG na binubuo ng DOT, DENR, DILG at DOJ na i-review ang environmental, commercial,
tourism, at law and order ng Boracay kasama na ang Baguio, bilang paghahanda sa
mga comprehensive plans at programs para mapangalagaan ang mga nasabing
national asset ng bansa.
No comments:
Post a Comment