Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ito ang matagal ng kampanya ng Civil Service Commission o
CSC sa mga National at Local Government Unit sa bansa.
Sa SB session ng Malay nitong Martes, isa sa mga naging
panauhing pandagal ay si Director II Cynthia Aranas ng Civil Service Commission
ng Aklan Field Office.
Dito idinetalye ni Aranas kung gaano kahigpit na ipinagbabawal
ang paninigarilyo malapit o sa loob mismo ng tanggapan ng opisina ng gobyerno.
Aniya, kinakailangan na may sampung metro ang layo ng mga
naninigarilyo mula sa mga opisina o alin mang departamento maging ang mga
paaralan lalo na sa Unibersidad.
Ito umano ay bilang bahagi parin ng kanilang kampanya na
“Pro Health and Pro Wellness Policy to Anti Tobacco Smoke”.
Ipinabatid naman ni Aranas na mas grabe ang epekto ng mga
second hand smoke kaysa sa mga mismong naninigarilyo.
Ayon naman kay Malay Vice Mayor Wilbec Gelito, bagamat
ipinapatupad na rin nila ito sa LGU Malay ngunit hindi parin umano ito isang
daang porsyentong nasusunod.
Sinabi pa nito na magsasagawa na rin sila ng preperasyon ukol
dito at nangakong mas mai-improve nila ito taon-taon.
Sa ngayon lalong tumataas ang bilang ng mga naninigarilyo
sa bansa na ikinalulungkot naman ng Civil Service Commission dahil sa maraming
mga tao ang naapektuhan ng ibat-ibang sakit na nakukuha sa sigarilyo.
No comments:
Post a Comment