Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ang nasabing MOA ay sa pagitan ng Daewoo Engineering and Construction
Co. Ltd na hiniling ni Malay Mayor John P. Yap, kaugnay sa construction ng
Boracay Bridge Project na io-operate sa ilalim ng Build-Operate-Transfer o BOT
project package.
Sa session ng SB Malay kahapon, sinabi ni SB Member Rowen Aguirre na
magkakaroon sila ng committee hearing tungkol dito.
Aniya, dito malalaman kung magpapasa sila ng rekomendasyon para
imbitahin ang Daewoo Engineering and Construction Co. Ltd para sa kanilang
presentasyon.
Nabatid naman na kung sakaling maimbitahan ang Daewoo ay gusto ng mga
konsehales na mai-presinta sa kanila ang kanilang plano para sa Boracay bridge
project.
No comments:
Post a Comment