Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y matapos tiniyak ng National Food Authority
(NFA) Aklan na hindi kukulangin ang probinsya sa supply ng bigas.
Ayon kay NFA Aklan Provincial Manager Martina
Lodero.
Wala umanong dapat ikabahala ang publiko sa
lalawigan sapagkat may sapat na suplay ng palay ang probinsya sa mga government
warehouse, households, retailers, millers at wholesalers.
Samantala, sinabi rin nito na inaasahan din umano
nila ngayon ang pagkakaroon ng kaliwa’t kanang harvest ng mga magsasaka habang
papalapit ang harvest season lalo na sa mga bayan sa Western side ng Aklan.
Ipinabatid rin nito sa mga buying stations kung
saan nahihirapan mag-deliver ng palay na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan
para matulungan.
Samantala, kasalukuyan naman umanong mabibili ang
mga NFA rice sa halagang mahigit kumulang labing walong piso kada kilo.
Itinuturing ang Aklan na isa sa mga probinsyang may
mataas na presyo sa palay dahil sa magandang kalidad na isinusuplay ng mga
magsasaka.
No comments:
Post a Comment