Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inereklamo ng dalawang Korean national ang dalawang
lalaking pinoy matapos na di umano’y hinipo ng mga ito ang kanilang puwit.
Idinulog sa Boracay PNP ng mga biktima na sina Jung
You Jin, 29 at Park Eun Mi, 22 ng Seoul South Korea ang nangyari matapos na
habang nasa isang restaurant umano ang mga ito ay hinipuan ng dalawang
dishwasher.
Nakilala naman sa blotter report ng Boracay PNP ang
mga suspek na sina John Salido, 22 ng Agbago Ibajay Aklan at Christopher
Baltazar, 24 ng Toledo Nabas Aklan.
Samantala, ayon pa sa mga pulis na habang
kinokompronta umano nila ang mga nasabing suspek hinggil sa sinasabing “act of
lasciviousness” ng mga Korean nationals, ay sinubukan pang manlaban ng mga ito.
Kaya’t maliban sa nasabing akusasyon, nahaharap rin
ang dalawang suspetsado sa Resistance and Disobedience upon an agent of person
in authority.
Kasalukuyan naman na nasa kustodiya ng Boracay PNP
Station ang dalawang lalaki.
No comments:
Post a Comment