Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Dead on arrival sa ospital ang isang security guard
matapos na sumalpok sa paso at nahulog
sa kanal ang sinasakyang motorsiklo sa Bgry. Yapak Boracay.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakilala ang
biktima kay Rogie Tresballes, 23, ng Venturanza Banga Aklan at security guard
ng Sangri-La Boracay.
Base sa salaysay ng mga nakasaksi sa aksidente na sina Garry Bartolome, 35 at Victor Bustamante, 35 ng Brgy. Camaligan, Batan, Aklan.
Palabas na umano sila sa nasabing hotel sakay ng
isang motorsiklo nang makarinig ng isang malakas na pagsalpok at nang linungin
umano nila ito ay nakita ang biktima at ang motor na nahulog sa kanal.
Sa isinagawa ring follow – up imbestigation, isang
stay-in supervisor rin ang nakakita sa biktima na mabilis umano ang takbo na
sumusunod sa isa pang motorsiklo na minamaneho nina Bartolome.
Nagtamo ng sugat sa noo ang biktima kung saan may
sukat na 14cm, bali ang kanang tuhod gayundin ang kanang braso nito at leeg.
No comments:
Post a Comment