Ni Alan Palma Sr., YES FM Boracay
Abala pa rin ang mga taga BSWAT o Boracay Solid
Waste Action Team sa paglilinis ng mga kumalat na bato o debris mula sa mga
tinibag na seawall sa beach line ng isla.
Pansin ito tuwing low tide kung saan ang mga tipak
ng construction waste ay kanilang tinitipon at mano-manong sinasako para
matapon ito ng maayos.
Naging sistema ito ng BSWAT alinsunod sa utos ni
Boracay Chief Operating Officer Glenn Sacapano pagkatapos na kapansin pansin na
tinatangay ng alon ang mga debris tuwing high tide.
Bagamat aminado ang task force na kailangan pa ng
angkop na sulosyon para dito, mas mainam
umanong may ginagawang solusyon para malinis ito at hindi na makasagabal pa sa
mga turista.
Samantala, inaantay naman sa ngayon ang Replenishment
Program ng BRTF para matambakan di-umano ang mga mababang parte ng baybayin
lalo na Station 1 gamit ang vacuum na siyang hihigop ng buhangin mula sa gitna
ng dagat.
Sa ngayon, inaantay naman ang iba pang
rekomendasyon mula sa Department of Environment and Natural Resources at iba
pang ahensya na binigyan ng mandato para ayusin ang Boracay.
No comments:
Post a Comment