Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Pinayuhan ngayon ng Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) ang mga bakasyunista sa isla ng Boracay na maging alerto para
hindi mabiktima ng kawatan.
Ayon kasi kay Boracay PNP Chief PSInspector Mark
Evan Salvo.
Ngayon pa lang ay parami na ng parami ang mga
bakasyunista sa isla at inaasahan na dadagsa pa ito pagdating ng summer season.
Kaya’t dinagdagan na rin umano ngayon ang mga pulis
sa isla para mapaghandaan ang mga nagbabalak na gumawa ng krimen lalo na sa mga
may planong magnakaw.
Samantala, sinabi din ni Salvo na magpapakalat ang
Boracay PNP ng maraming “secret tourism police” na siyang magbabantay sa mga
matataong lugar.
Maliban dito, nakaalerto parin umano ang “Theft and
Robbery” section sa BTAC na siyang tututok sa mga kaso ng nakawan.
Samantala, ipinaalala din nito sa mga magnanakaw at
may balak magnakaw sa Boracay, na maraming marangal na trabaho na maaaring
pasukan, kaysa gumawa pa umano ng krimen.
No comments:
Post a Comment