Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay
Ito ang naging pahayag ni Governor Florencio
Miraflores, sa paggunita sa unang anibersaryo ng pagkamatay ni Ati spokesperson
Dexter Condez nitong Sabado.
Ayon kay Miraflores suportado nila ang ginagawang
pakikipaglaban ng mga Ati Community sa Boracay at ang mga planong nais mangyari
ng mga Ati sa kanilang kuminidad, lalo pa’t nakikita umano nitong may mga
hakbang naring ginagawa ang iba pang ahensya ng pamahalaan.
Samantala, pinasalamatan din ng governador ang mga
Architect na gumawa ng magandang plano para sa tahanan ng mga katutubong Ati sa
isla.
Aniya, hindi umano ito malayong maging isang
tourist destination sa Boracay ngunit dapat pa
rin umanong panatilihin ang kultura ng mga Ati.
Sa kabilang banda, dumating din sa unang death
anniversary ni Condez ang ibat-ibang ahensya ng gobyenro at mga otoridad na
kinabibilangan ng AFP, at PNP Region 6 sa pangunguna ni Chief Supt. Josephus
Angan na ginanap sa Ati Village Sitio. Lugutan Manoc-manoc.
Pormal ding nagpaabot ng kaniyang pasasalamat si
DILG Undersecretary Austere Panadero sa lahat ng mga gumabay at tumulong
makipaglaban sa karapatan ng mga Ati sa Boracay lalong lalo na sa mga daughters
of charity na sumusuporta sa mga Eta sa Boracay.
No comments:
Post a Comment