Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaksyonan na ngayon ng lokal na pamahalaan ng Malay ang
sira-sirang kalsada palabas ng police station sa Boracay.
Ito’y makaraang maraming mga turista ang nagrereklamo
dahil sa lubak-lubak na daan at kadalasan ay binabaha pa sa tuwing umuulan.
Sa ngayon ay tinanggal na ang mga nasirang mono blocks na
mula sa area ng beach front palabas ng main road Manoc-manoc.
Una nang ipinaabot ng Department of Tourism o DOT Boracay
ang nasabing problema sa mga kinauukulan dahil na rin sa ilang reklamo ng mga
resort at establishment owners sa nasabing lugar.
Ipinabatid naman ni Manoc-manoc Brgy. Captain Abram
Sualog nitong mga nakaraang Session ng Malay na gagawa rin sila ng aksyon para
maisaayos ang nasabing kalsada.
Sa ngayon patuloy paring inaayos ang sirang kalsada
palabas ng police station at papasok ng beach front sa station 3 Boracay.
No comments:
Post a Comment