Posted March 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isa umano sa mga dahilan kung bakit naantala ang
ginagawang construction at expansion project ng Boracay Hospital ay dahil sa
pag-iba ng ilang plano
Ayon kay Doktora Michele Depakakibo ng Boracay Hospital
ang huli umanong abiso sa kanila ng Department of Health (DOH) Region 6 na
siyang may hawak ng naturang proyekto ay ang pag-revise ng electrical sa ginagawang
pagamutan.
Sinabi din nito na ang phase 1 lang muna sa ngayon ang tatapusing
ipagawa ng DOH kung saan may nakalaan na rin umanong pondo rito ang nasabing
ahensya.
Dahil sa nasabing pagkaantala hindi umano sila ngayon
tumatanggap ng maramihang pasyente dahil sa kakulangan ng kwarto na limitado
lamang sa anim na kadalasan ay magkatabi pa sa iisang kama.
Samantala, inaantay nalang umano nila ngayon ang panibagong
plano para dito ng DOH Region 6 at ng Provincial Health Office ng Aklan kung
saan nakiusap din ito sa mga kinauukulan na kung maaari ay mabigyan na agad ng
solusyon kung mayroon mang problema sa nasabing proyekto.
No comments:
Post a Comment