Posted March 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Isang bangkang mula sa Romblon ang inireklamo sa Boracay
PNP Station dahil sa illegal docking sa isla ng Boracay.
Base sa police report tatlong miyembro ng Municipal
Auxiliary Police (MAP) ang nagreklamo sa kanilang tanggapan matapos ang ginawang
violation ng isang bangka dahil sa pag-unloading at loading nito sa
ipinagbabawal na lugar sa Boracay.
Sa kanila umanong pagpapatrolya sa beach front ng isla
nakita nila ang nasabing bangka na may pangalang By The Sea Resort na
pinaniniwalaang mula sa isla ng Romblon na may sakay na mahigit sampung
foreigner guest at isang boat captain kasama ang ilang crew.
Sinita umano nila ito dahil sa illegal loading and
unloading sa naturang lugar ngunit naging arogante naman ang nasabing boat
captain at binaliwala lamang sila sabay tahak papuntang Romblon.
Bigo naman ang tatlong MAP na mapigilan ang bangka dahil
sa sobrang lakas umano ng alon sa area ng Punta Bunga Sea.
Kaugnay nito ang nasabi ring bangka ay sinita din kahapon
ng umaga sa Sitio. Sinagpa Balabag, Boracay dahil sa kapareho ring insidente.
Ngunit isang foreign guide nito ang naging arogante
kasabay ng pagtahak papuntang Romblon kung saan sinabi pa nito na mayroon umano
silang koordinasasyon sa Romblon Coastguard na mag pic-up ng pasahero mula sa
isla ng Boracay.
Samantala ang nasabing insidenteng ito ay minabuting
idinulog ng Boracay PNP Station sa tanggapan ng Philippine Coastguard
Boracay-Substation Office.
No comments:
Post a Comment