Posted March 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo Credit to boracaybeachrealestate |
Hindi lamang ang nangyaring Zorb accident sa isla ng
Boracay nakutoon ang pansin ngayon ni Malay SB Member Floribar Bautista.
Kung saan sinabi niya nitong Martes sa 9th
Regular SB Session ng Malay na nais nitong maglabas ng kautusan sa pamamagitan
ni Mayor John Yap na kailangan ang lahat ng water o island sports activity sa
Boracay ay i-inspeksyonin sa loob ng tatlong buwan o anim na buwan na
sinang-ayunan naman ng konseho.
Dapat umanong suriin ang mga ginagamit na sports
equipment sa Boracay dahil maaaring ang iba umano nito ay gumagamit ng may
kalumaan na nagiging sanhi ng aksidente.
Kaugnay nito nais umano nilang magtayo ng inspection team
na siyang regular na mag-iinspeksyon sa mga nasabing sports activity.
Dito umano ay magkakaroon sila ng inspection clearance at
certification bilang requirements sa lahat ng island activity.
Matatandaang isang aksidente ang nangyari sa Boracay nitong
Biyernes matapos na dalawang engineer na turista ang tumilapon mula sa kanilang
sinasakyang Zorb Ball dahilan para magtamo ang isa sa mga ito ng grabeng
pinsala sa katawan.
Samantala, punto umano ni Bautista dito ay ang kaligtasan
ng lahat ng mga turista sa Boracay lalo na ang mga sumusubok sa ibat-ibang
water sport activities sa Boracay.
No comments:
Post a Comment