Posted March 5, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Inaantay pa sa ngayon ng Department of Environment and
Natural Resources (DENR) Aklan ang report kaugnay ng pag-extend ng canal ng
TIEZA sa Bolabog Beach.
Ayon kay dating community Environment and Natural
Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel.
Sa ngayon ay wala pa silang ideya tungkol sa pinakahuling
ulat tungkol dito dahil na rin sa restructuring ng kanilang ahensya.
Subalit, anya bukas sila sa pakikipag-tulungan dito
gayong nanatili namang nakatutok si PENR Officer Aklan Ivene Reyes sa mga
problema sa drainage system ng Boracay.
Samantala, magugunita na sinabi sa isang pagpupulong ni Engineer
Giovanni Rullan ng TIEZA na kailangan pa
nilang pag-aralan kasama ng DENR ang concrete coated pipe o sementadong tubo na
idudugtong sa kasalukuyang drainage sa Bolabog beach.
Pinagplanohan naman ang nasabing proyekto dahil na rin sa
nag-aalala ang mga stakeholders, turista at publiko sa isla na maaaring masira
ang mga corals at madumihan ang dagat sa Bolabog kapag gumana na ang pumping
station ng TIEZA, kung kaya’t napagkasunduan ng task force at TIEZA na habaan
ang tubo ng drainage doon.
No comments:
Post a Comment