Posted February 28, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Upang matiyak ang seguridad sa gaganaping APEC
Senior Officer Meeting and Ministerial Meeting sa Boracay.
Hindi tumitigil ang pamahalaan sa pagpaplano ng mga
hakbang para masiguro ang kaligtasan ng publiko lalo na yaong mga dadalo sa APEC
Senior Officer Meeting and Ministerial Meeting na isa sa mga malalaking
aktibidad na gaganapin sa bansa.
Kaugnay nito, nagsagawa ng APEC 2015 Security
Meeting ang mga security forces ng bansa na kinabibilangan ng Armed Forces of
the Philippines (AFP) Philippine Army, Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire and Protection (BFP) at
Philippine Coast Guard (PCG).
Sa Boracay, pinangunahan mismo ni Brig. Gen.
Francisco Pantrimonio, Asst. Chief ng 3rd Infantry Division ang
nasabing pagpupulong.
Samantala, dinaluhan din ito nina Police Inspector
Alfonso Manoba, Chief of Admin/HRDD Sections ng Boracay PNP Station at Police
Office 3 Conrado Espino, Jr. OPN PNCO; at iba pang mga kasapi ng Philippine
Army, PNP, BFP, Coast Guard at iba pang force multipliers sa isla.
Gaganapin naman ang APEC Senior Officer Meeting and
Ministerial Meeting sa Boracay sa darating na Mayo 15-24 nitong taon.
No comments:
Post a Comment