Posted March 7, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Maaaring maharap sa kaukulang penalidad ang mga fire dancers
sakaling lumabag sila sa batas o makasira sa turismo.
Ito ang paalala ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan
kaugnay sa mga fire dancers na hindi gumagamit ng platform sa tuwing
magpi-perform.
Maaalala sa mga naunang ulat na iminungkahi ni Malay SB
Member Frolibar Bautista ang isang ordinansa upang maregulate ang mga fire
dancers sa Boracay.
Kaugnay na rin ito sa pangamba noon ng Department of
Tourism (DOT) sa gas na ginagamit ng mga fire dancers na pinaniniwalaang nakakasira
sa puting buhangin ng isla.
Kung kaya’t kasabay ng pagpasa ng nasabing ordinansa sa
probinsya, ipinaalala din ni Bautista sa mga fire dancers na iwasang
mag-perform sa beach line at pathways upang hindi makaabala sa mga dumadaang
turista.
Kung sakali man aniyang sa beach area mag-perform, ay
dapat may platform, dahil iniiwasan ding maapektuhan ng gas na kanilang
ginagamit ang maputing buhangin ng isla.
No comments:
Post a Comment