Posted March 5, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Tila madilim pa ngayon sa pondedong ilaw ang sitwasyon ng
mga sirang street lights sa Boracay.
Hindi parin kasi ang mga ito maaaring palitan kahit
nalalapit na ang APEC Ministerial meeting dahil wala pa umanong update sa
request ng LGU Malay na budget mula sa TIEZA o Tourism Infrastructure and
Enterprise Zone Authority.
Magkaganon paman, sinabi ni Municipal Engineer OIC
Engr.Arnold Solano na ang limang milyong pisong budget ng LGU Malay na lamang
muna ang kanilang gagamitin, sakaling hindi pa dumating ang hinihingi nilang
pondo.
Sa mga naunang pahayag, sinani din ni Solano na
hinihingan sila ng TIEZA ng program of works para sa street lights.
Samantala, nabatid na bahagi ng drainage system project
ng dating PTA o Philippine Tourism Authority, na naging TIEZA ngayon, ang
street lights sa main road ng Boracay.
Subali’t hindi pa umano ito pormal na naitu-turn over sa
LGU Malay dahil sa ilang problema.
Nabatid naman na hahawakan ng LGU ang pagpapaayos ng mga
street light bilang bahagi ng paghahanda sa APEC o Asia Pacific Economic
Cooperation Ministerial meeting sa darating na buwan ng Mayo.
Magugunitang marami nang naaksidenteng residente at
turista sa isla dahil sa kawalan o hindi naaayos na street lights.
No comments:
Post a Comment