Posted March 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo by Globososo |
12 pasahero ang napaulat na sugatan matapos sumalpok ang
kanilang sinasakyang L-300 van sa isang truck sa Barangay Habana, Nabas, Aklan.
Ayon sa report, nangyari ang insidente habang papunta ang
van sa Barangay Caticlan, Malay, Aklan.
Nabatid na magbabakasyon sana sa isla ng Boracay ang
karamihan sa pasahero nito, kasama ang isang American national na si William
Mitchell ng Chicago, Illinois.
Sa isang pahayag, sinabi ng driver ng van na si Armando
Macaya, residente ng lalawigan ng Antique, na biglang nag-lock ang steering
wheel ng kanyang minamanehong van habang papaliko sa highway.
Minalas namang nawalan siya ng kontrol sa manobela dahilan
para bumangga sa nakasalubong na 10-wheeler truck na papuntang Kalibo.
Kaagad na isinugod sa magkahiwalay na pagamutan ang mga
biktima kasama ang driver ng van na nagtamo ng pinsala at sugat sa iba’t-ibang
parte ng katawan.
Samantala, nabatid na nasa kustodiya na ng Nabas PNP station
ang driver ng truck para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.
No comments:
Post a Comment