Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Muling pinag-usapan ng Sangguniang Panlalawigan
(SP) Aklan ang pagpapatupad ng Transportation Code sa bayan ng Malay.
Sa ginanap na pagpupulong, nabanggit din ng mataas na konseho sa probinsya ang nararanasang matinding traffic sa isla ng Boracay.
Sa ginanap na pagpupulong, nabanggit din ng mataas na konseho sa probinsya ang nararanasang matinding traffic sa isla ng Boracay.
Nabatid na hindi lang ang maayos na daloy ng
trapiko ang ninanais ng pamahalaang probinsyal ng Aklan kundi pati na rin ang
mga kalsadahin lalo’t papalapit na ang APEC Senior Officer Meeting and
Ministerial Meeting nitong darating na Mayo ngayong taon.
Samantala, ang Traffic Code ay tumutukoy sa
koleksyon ng mga lokal na mga batas, regulasyon, ordinansa at tuntunin na
opisyal na pinagtiba.
Ito’y upang pamahalaan ang maayos na operasyon at
pakikipag-ugnayan ng mga sasakyang de motor, pampubliko at pribadong sasakyan.
No comments:
Post a Comment