Posted March 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Gustong malaman ngayon ng SB Malay ang reaksyon ng
Boracay Island Water Company at Department of Environmental Resources (DENR) sa
Coliform issue sa Boracay.
Ito’y matapos na talakayin sa Sangguniang Bayan nitong
Martes ang nasabing usapin na ikinabahala ng Lokal na Pamahalaan ng Malay.
Sa Session isinisi ni SB Member Floribar Bautista ang
Coliform sa problema ng mga sewerage system sa Boracay.
Dahil dito gumawa naman ng proposal si Bautista para
imbitahan sa SB Session ngayong Martes ang BIWC at Department of Environmental
Resources (DENR) na sinang-ayunan naman ni SB Member at Chairman ng Committee
on Tourism Jupiter Gallenero.
Kasama pa sa kanilang iimbitahan dito ang Tourism
Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA), Boracay Task Force,
Environmental Management Board (EMB) at Municipal Health Office upang
ipaliwanag sa kanila ang naranasang Coliform issue sa isla at ang ginawang mga
pag-aaral at hakbang ng mga ito.
Kaugnay nito nagsasagawa na rin ng pag-aaral at hakbang
para dito ang Provincial Government ng Aklan para matukoy ang sanhi ng Coliform
at para mabigyan agad ito ng solusyon na maaaring ikaapekto ng turismo ng isla
ng Boracay.
No comments:
Post a Comment