Posted March 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Dadaong na ngayong alas-10 ng umaga sa isla ng Boracay
ang MV Seabourn Sojourn matapos ang tour nito sa Maynila kahapon.
Ayon kay Special Operation III Jean Pontero ng Caticlan
Jetty Port, plantsado na umano ang lahat ng mga paghahanda para sa pagdating ng
nasabing barko lalo na ang seguridad na inilatag ng Philippine Army, Philippine
Navy, Coastguard at Boracay PNP.
Nabatid na ang cruiship ay may 450 passenger capacity at
335 International crew na pagmamay-ari ng Seabourn Cruise Line Limited.
Sinabi naman ni Pontero na wala pang eksaktong bilang
kung ilang pasahero ang sakay nito sa pagdaong sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito isang maikling programa ang isasagawa sa
loob ng barko para sa Plaque exchange sa pagitan ng management ng Seabourn at
ng Provincial Government ng Aklan kasama ang Department of Tourism, Municipal
Tourism Office at ilang government agencies.
Napag-alaman na magtatagal ang naturang barko sa isla ng
siyam na oras para bigyang daan ang pasahero nito na mag-ikot sa ilang lugar sa
Boracay.
Samantala, sakay nito ang mga high bracket families at
mga celebrity mula sa ibat-ibang bansa base sa kumpanya na may hawak ng barko
sa tour nito sa Pilipinas.
No comments:
Post a Comment