YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, March 03, 2015

PENRO Aklan at DOT RO6, nakipagpulong kay Governor Miraflores kaugnay ng Coliform issue sa Boracay

Posted March 3, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Photo by Globososo.com
Mainit ngunit maingat na pinag-uusapan ngayon ang coliform issue sa Boracay.

Katunayan, nakikipagpulong na ngayon ang PENRO Aklan at DOT RO6 kay Governor Miraflores.

Nabatid mula mismo sa PENRO o Provincial Environment and Natural Resources Office-Aklan na para sa coastal water ng Boracay ang nasabing pagpupulong kasama ang Department of Tourism Region 6.

Kaugnay nito, tumanggi munang magbigay ng pahayag sa alok naming interview si mismong DOT Regional Director Helen Catalbas.

Nitong nakaraang linggo, ikinagulat ng mga residente ng isla ang tungkol sa Coliform nang muli itong inilabas ng national media.

Base kasi sa ulat, ikinabahala mismo ng Department of Environment and Natural Resources ang mataas na lebel ng bacteria sa tubig ng Boracay back beach.

Dahil dito, nakipag-ugnayan narin ang DENR sa BRTF upang matutukan ang issue ng Coliform.

No comments:

Post a Comment