Posted February March 3, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
May mga nakalatag na umanong aktibidad ang Bureau of Fire
Protection Unit (BFPU) Boracay ngayong Fire Prevention Month.
Ito ang sinabi ni BFP Boracay Chief Fire Inspector
Stephen Jardeleza matapos silang magkaroon ng parada nitong unang araw ng buwan
ng Marso.
Nabatid na nitong Linggo ay isang motorcade ang kanilang
isinagawa mula sa Brgy. Manoc-manoc papuntang Brgy. Balabag kung saan nag-sponsor
din ang mga ito sa Sunday mass sa Balabag Holy Rosary Parish Church.
Sinabi pa ni Jardeleza na kadalasan umano sa mga
pinagmumulan ng sunog dito sa Boracay ay ang problema sa electrical wiring kung
saan may mga gumagamit din umano ng sub-standard na saksakan.
Samantala, layunin umano ng aktibidad na ito ay para
mapukaw ang kamalayan ng tao sa sunog lalo na ngayong summer.
Ayon pa kay Jardeleza bilang kampanya umano ngayong Fire
Prevention Month ay namigay sila ng mga fliers sa congested area dito sa
Boracay na naglalaman ng tips kung paano maiiwasan ang sunog.
No comments:
Post a Comment