Posted March 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kasunod ito ng kanilang pagpupulong nitong Martes kasama
sina Provincial Environment and Natural Resources Officer Ivene Reyes, DOT
Region 6 Director Atty.Helen Catalbas at Aklan Governor Joeven Miraflores
tungkol sa coastal water ng Boracay.
Bagama’t tumanggi munang magbigay ng pahayag, nagpahayag
naman ng pagkadismaya si Sacapaño sa mga lumabas na balita tungkol sa Bolabog
Beach kung saan sinasabing mataas ang Coliform content.
Sa isang pahayag, sinabi naman ni Committee on Laws Chairman
at Malay SB member Rowen Aguirre na hindi apektado ng nasabing Coliform ang
buong isla ng Boracay.
Sa magkahiwalay ding pahayag, sinabi ni SB Member Fromy
Bautista na dapat tutukan at pagtulungang aksyunan ng LGU Malay at iba pang
ahensya ang nasabing problema.
No comments:
Post a Comment