Posted March 4, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kasunod ito ng kakatapos at matagumpay na ASEAN Supreme
Court Justices Meeting sa Boracay.
Ayon kasi kay Boracay PNP OIC PSInspector Frensy Andrade,
wala silang natanggap na negative feedbacks mula sa mga chief justices
pagdating sa inilaang seguridad ng mga kapulisan ayon sa mga closed in securities
ng mga nasabing VIP’s.
Ayon pa kay Andrade, naka-pull out na rin ang mga police
augmentation mula sa APPO o Aklan Police Provincial Office dahil tapos na rin
ang ASEAN Supreme Court Justices Meeting kahapon.
Magugunitang nasa 200 daang pulis ang ipinakalat
ng APPO sa Boracay para sa seguridad ng mga chief justices at maging ng mga Filipino
Supreme Court associate justices na kasama sa pagpupulong.
Layunin ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations-Supreme
Court Justices Meeting na pag-usapan ang cross-border judicial issues at
pag-ibayuhin ang kanilang judicial cooperation.
No comments:
Post a Comment