Posted March 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbigay ngayon ng reaksyon si SB Member Floribar
Bautista matapos muling sumabog ang balita tungkol sa Coliform issue sa
Boracay.
Ginawa ni Bautista ang pahayag matapos ang SB regular
session kahapon.
Ayon sa konsehal, ang isyung ito ay noon pang 1997 na
ngayong ay muling sumabog dahil sa problema sa sewerage system sa Boracay.
Sa kanya umanong panunungkulan noon bilang vice-mayor ng
Malay ay nagpasa umano sila ng regular requirements sa mga sewer connection
nang magkaroon na ng sewerage system sa isla.
Sa kanya naman umanong pag-upo bilang SB member noong
2013 ay kanyang dinala sa Privileged Hour sa Session ang nasabing isyu kung saan
nirekomenda nito ang pagkakaroon ng task
force para sa implementation ng ordinance 118 series of 2003.
Ang task force umanong ito ang titingin sa mga
establishment kasama na ang mga bahay kung sino ang hindi naka-konekta sa
sewerage line.
Kasabay nito, kinuwestiyon ngayon ni Bautista kung ano na
ang hakbang ng redevelopment task force at ng ibang ahensya tungkol sa Coliform
issue sa Boracay ngayon.
Hiling din nito na sana ay gawan na ng paraan kung ano man
ang existence ordinance at dapat na umano itong ipatupad.
No comments:
Post a Comment