Posted March 6, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo from Globososo.com |
Sa kulungan na ng Boracay PNP pinatulog ang isang lasing
matapos mag-eskandalo sa isang lamay sa Barangay Manoc-manoc kagabi.
Ayon kasi sa report ng Boracay PNP, nagambala ang mga taong
naglalamay doon dahil sa pang-iistorbo umano ng lasing na si ‘Michael’, 33
anyos ng Hambil, Romblon, at kasalukuyang residente ng nasabing barangay.
Itinawag na ito ng mga pulis ng mga naglalamay sa lugar at
inihatid sa kanyang bahay subali’t bumalik pa umano siya at muling
nag-eskandalo.
Dahil dito, muling rumesponde ang mga pulis ng Boracay PNP
at minarapat na itong dalhin sa presento at doon patulugin.
No comments:
Post a Comment