Posted March 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umarangkada na kahapon ang tatlong araw na Association of
Southeast Asian Nations (Asean) Chief Justices Meeting sa isla ng Boracay.
Magiliw ang mga itong sinalubong ng Lokal na Pamahalaan
ng Malay at ng Aklan Provincial Government sa Boracay Airport kahapon ng umaga.
Ito ay kinabibilangan ng mga Chief Justices mula sa
bansang Brunei, Cambodia, Thailand, Indonesia, Laos, Burma, Vietnam, Malaysia,
Myanmar at Singapore kasama si Philippine Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Mahigpit naman ang ipinatupad na seguridad ng kapulisan
ng Boracay PNP kasama ang Aklan Police Provincial Office (APPO), Philippine
Army, Philippine Navy at Philippine Coastguard.
Nabatid na ilan sa mga Chief Justices ay kasama ang
kanilang pamilya para makita ang kagandahan ng isla ng Boracay.
Napag-alaman na magmula sa nasabing airport ay sumakay ay
mga ito sa pribadong speedboat papuntang Shangrila-Boracay kung saan naman
gaganapin ang tatlong araw na meeting na magtatapos bukas.
Samantala, layunin ng nasabing pagpupulong ay para
mapalakas ang judicial cooperation at mga chief justices sa buong Asya.
No comments:
Post a Comment