YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, March 09, 2015

Pagsita at pagpapatigil umano ng MAP sa naglalaro ng volleyball sa beach, inireklamo sa YES FM Boracay

Posted March 8, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for volleyball in boracayHindi bawal basta hindi lang makakaistorbo sa mga bisita.

Maliban dito, designated areas para sa mga activities ang beach front ng station 1 at station 3.

Ito ang nilinaw ngayon ni MAP Boracay Deputy Chief Rodito Absalon Sr. kaugnay sa reklamong natanggap ng YES FM Boracay mula sa mga naglalaro ng volleyball sa beach front ng station 1.

Sinita at pinatigil umano kasi ang mga ito sa paglalaro dahil wala silang permit.

Nagkataon namang may turista pa silang kasama sa pagba-volleyball na nagulat din nang ipatigil ang kanilang laro.

Ayon pa sa nagsusumbong, masama ang kanilang loob dahil ‘unfair’naman ang pagsita sa kanila lalo pa’t bigla lamang silang pinahinto.

Base pa impormasyon, may nagreklamo din sa DOT o Department of Tourism dahil tinamaan umano ng frisbee disc ng ilang naglalaro sa beach sa station 1.

Dahil dito, nanindigan naman ang grupo ng nagrereklamo na muli silang maglalaro sa beach kapag may pagkakataon sa kabila ng pagbabawal sa kanila.

Nabatid na maraming mga foreign tourist ang masayang nakikipaglaro ng volley ball at freesbie sa mga tour guide at komisyoner sa beach front lalo na kapag low tide.

No comments:

Post a Comment