YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, January 10, 2015

Seguridad sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2015, kasado na

Posted January 10, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tiniyak ngayon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) at Kalibo PNP na all set na ang kanilang security measures na ipatutupad sa Kalibo Ati-Atihan Festival 2015 celebration.

Ayon kay Kalibo Chief Police Supt. Pedro Enriquez, partikular na tutukan ng security forces ang fluvial at foot procession.

Masusi na rin umanong nakikipagkoordinasyon ang mga ito sa AFP command at iba pang force multipliers para sa  pagpapanatili ng peace and order sa nasabing makasaysayang okasyon.

Sinabi din nito na magpapakalat din umano ang APPO ng monitoring team at dinagdagan na ang police visibility sa mga matataong lugar upang maiwasan ang kaso ng mga pandurukot.

Samantala, nanawagan din ang pulisya sa publiko na mag-ingat at iwasan na magdala ng maraming pera at saka magsuot ng mamahaling alahas upang hindi mabiktima ng mga isnatser.

Inaasahan na marami na naman ang dadalo na mga deboto sa kapistahan ni Sr. Santo NiƱo sa Kalibo na ipinagdiriwang tuwing ika-tatlong linggo ng buwan ng Enero.

No comments:

Post a Comment