Posted January 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bilang paghahanda sa darating na Asia Pacific Economic
Cooperation (APEC) Summit 2015 sa Boracay ngayong Mayo, patuloy namang
sinasanay dito ang mga Liaison Officers.
Ito’y upang mapabuti ang kanilang komunikasyon sa mahigit
dalawang libong delegado mula sa dalawamput isang bansa na dadalo sa nasabing
Summit sa Boracay.
Ang mga Liaison Officers ay kinabibilangan ng mga guro,
municipal employees at ilang volunteers na dumaan pa masusing interview bago
pumasa bilang liaison officers.
Ayon naman kay 2015 APEC Malay Task Group Focal Person at
SB Member Rowen Aguirre, ito ay ilan lamang sa kanilang paghahanda para sa
darating na APEC na kung saan kasama na umano rito ang kanilang ilalatag na
seguridad.
Samantala, katuwang ng LGU Malay sa pagsasanay sa mga
nasabing liaisons officers ay ang Boracay Redevelopment Task Force (BRTF) na isa
rin sa punong abala sa APEC 2015 sa isla.
No comments:
Post a Comment