Posted
January 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Sa darating na araw ng Biyernes magsisimula ang nasabing
okasyon na kung saan ay magkakaroon sila
ng Barangay, Parishioners at Tourism Front Liners Night habang sa araw naman ng
Sabado ay magkakaroon din ng Kabataan’s Night kabilang na ang Sad-Sad, opening
Salvo at Hip Hop Dance Competition.
Habang sa darating na Enero 11 araw ng Linggo ay
magaganap ang 2015 Boracay Sto. Niño Ati-Atihan kung saan isang Fluvial Parade,
misa at Sad-sad ang magaganap na susundan ng awarding night.
Napag-alaman na ibat-ibang tribo mula sa isla ng Boracay
ang kalahok sa tinatawag na Sad-sad na gaganapin naman sa long beach area
simula station 1 hanggang station 3.
Samantala ang isla ng Boracay ay isa sa mga nagsasagawa
ng nasabing okasyon sa Aklan na kung saan ang bayan naman ng Kalibo ang siyang orihinal
na nagkakaroon ng tinatawag na Ati-Atihan Festival at kilala rin sa tawag na
“mother of all festival sa bansa”.
No comments:
Post a Comment