YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, January 08, 2015

Russian National, ninakawan sa loob ng restaurant sa Boracay, 2 suspek huli sa CCTV

Posted January 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Huli sa CCTV camera ang dalawang suspek na pinaniniwalaang nagnakaw ng wallet at passport ng isang Russian National sa loob ng isang restaurant sa Boracay kaninang alas-3 ng hapon.

Sumbong ng 32-anyos na biktimang lalaki sa Boracay PNP kumakain umano sila sa loob ng restaurant kung saan isinukbit nito ang kanyang bag sa likod ng kanyang upuan.

Hindi umano nito na malayan na ninanakawan na pala siya kung saan nakuha mula sa biktima ang kanyang wallet na naglalaman ng ilang libong pesong pera kasama na ang kanyang passport na nakalagay sa loob ng nasabing bag.

Ayon naman sa naka saksing waitress may dalawa umanong lalaki ang naka upo sa likod ng inuukupahang lamesa ng biktima na kung saan ay nag-order din ang mga ito ng pagkain.

Nabatid na agad namang nawala ang mga sinasabing suspek matapos na umpisang maghanap ang biktima sa kanyang mga nawawalang gamit.

Dahil dito agad na sinuri ng management ng restaurant ang kanilang CCTV footage at doon nga ay kitang-kita ang ginawang pagnanakaw ng dalawang suspek sa bag ng biktima.

Sa ngayon ay patuloy na pinag-aaralan ng Boracay PNP Station ang kuha sa camera para sa agarang ikadarakip ng dalawang suspek.

Samantala, balak naman ng himpilan ng pulisya na bigyan ng blotter certification ang biktima bilang pamalit sa kanyang nawawalang passport para ito ay makabalik sa kanilang bansa ngayong darating na Miyerkules.

No comments:

Post a Comment