YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 05, 2015

Humigit-kumulang 20 mil pesos, tinatayang pinsala sa sunog kahapon sa Sitio Bantud, Manoc-manoc Boracay (update)

Posted January 5, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Humigit-kumulang 20 mil pesos ang tinatayang pinsala sa sunog kahapon sa Sitio Bantud, Manoc-manoc Boracay.

Ayon kay FO1 Joseph Boriel ng Bureau of Fire Protection Unit Boracay, ilan lamang sa mga nasunog sa ‘dapugan’ o lutuan kahapon ang rice cooker, electric fan at pambatang bisikleta.

Bagama’t patuloy paring iniimbistigahan ang sanhi ng sunog, iginiit naman ng Bureau of Fire  na hindi nagmula sa nasabing lutuan ang apoy.

Nabatid na pinagmamay-ari ni Libly Gentallan ang nasabing bahay at tinuluyan naman ng kanyang nagbabakasyong pamangkin.

Ayon naman kay Aling Libly, walang tao sa bahay nang masunog ang ‘dapugan’.

Umalis kasi ang kanyang pamangkin at mga kasama nito upang mamasyal, subali’t sinabihan din naman umano niya ito na tanggalin lahat ng mga nakasaksak na appliances bago umalis.

Abot-abot naman ang kanilang pasasalamat maging ng mga residente doon na kaagad naapula ang sunog.

No comments:

Post a Comment