Posted January 6, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Masaya parin ang mga stakeholders sa isla kahit
naunsyami ang 2014 Tourist Arrival Target ng Boracay.
Ayon kay BFI o Boracay Foundation Inc. President
Jony Salme, tumaas parin naman ang tourist arrival ng Boracay
nitong taong 2014 sa kabila ng mga naranasang weather disturbance at bagyo, at
maging ng travel ban ng China sa Pilipinas nitong nakaraang buwan ng Sityembre
ng nakaraang taon.
Samantala, bagama’t taun-taong tumataas ang tourist
arrival sa isla, iginiit naman ni Salme ang kaligtasan ng mga bumibiyaheng
turista.
Dapat din umanong naaasikaso at naibibigay sa mga
turista ang serbisyong inaasahan nila sa Boracay.
Kaugnay parin nito, sinabi pa ni Salme na may mga
plano na ang BFI para lalong mapalago ang turismo ng Boracay ngayong taon sa
tulong ng Aklan Provincial Government, Malay Municipal Tourism Office at
Department of Tourism.
Magugunitang 1.5 milyong turista ang target ng
Department of Tourism sa taong 2014, subali’t umabot lamang ito sa 1,472,352.
No comments:
Post a Comment