Posted January 7, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Makakatawag ngayon, mamaya hindi.
Ganito ang paulit-ulit na serbisyo ng PANTELCO o Panay
Telephone Corporation matapos masagi ng sumadsad na barge ng DBP Leasing
Corporation ang submarine cable ng Kalibo Cable at AKELCO o Aklan Electric
Cooperative.
Ayon sa Repair and Maintenance Service ng PANTELCO,
hindi parin estable ang kanilang linya hanggang ngayon, kung kaya’t pauli’t-ulit
na pumapalya ang kumunikasyon ng mga
Boracay PANTELCO Subscribers sa mainland.
Maliban dito, matindi rin umano ang sira sa
nasabing submarine cable kung kaya’t maaaring matatagalan pa bago ito maayos.
Magugunitang tinamaan ng sumadsad na barge ang
submarine cable na pagmamay-ari ng Kalibo Cable at AKELCO nitong nakaraang buwan
dahilan upang maapektuhan ang serbisyo ng mga naturang utility providers sa
isla.
Samantala, naging perwisyo naman hindi lamang ng
mga nasabing subscribers kungdi maging ng mga taga cargo cooperative ang
pagsadsad ng naturang barge.
No comments:
Post a Comment